Ilang mga botante sa Legarda Elementary School, mas dumami ang bilang ngayong BSKE 2023

Umaabot sa higit 30,000 botante ang inaasahang boboto sa Legarda Elementary School ngayong 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Mas dumami ito kumpara noong mga nakaraang botohan kung saan nadagdag sa nasabing bilang ang mga kabataan.

Mabilis naman ang proseso ng pagboto dahil maaga pa lamang ay alam na ng mga residente partikular ang buong area ng Sampaloc ang kanilang precinct area.


Ang mga senior citizens at PWDs naman ay tuloy-tuloy ang pagboto sa accessible polling place at wala naman nagiging problema.

Maging si Manila Mayor Honey Lacuna ay nakatapos na rin bumoto kung saan patuloy siyang tututok at magmo-monitor hanggang sa matapos ang botohan at bilangan.

Bukod dito, halos wala ring botante ang nagrereklamo hinggil sa mga nawawalang pangalan sa listahan at inaasahan na makakaboto ang lahat bago pa mag-alas-3:00 ng hapon.

Facebook Comments