ILANG MGA BSK ASPIRANTS SA DAGUPAN CITY, ALL OUT SA HULING ARAW NG CAMPAIGN PERIOD PARA SA BSKE 2023

All out ang ilang mga kumakandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Council sa Dagupan City sa huling araw ng campaign period, Oct 28.
Ilang mga SK Council Aspirants ay nagsagawa ng miting de avance sa kinabibilangang barangay upang personal na maipakilala ang mga sarili at mabigyang diin ang kanilang mga plataporma.
Habang ang ilan ay lumilibot, sinusuyod ang mga kasuluk-sulukan ng kanilang barangay sa pangangampanya sa kanilang buong konseho.

Halos lahat naman sa mga BSK Aspirants ay mas ibinida ang pagkakakilanlan at plataporma sa mga FB accounts at binuong FB Pages para ipakilala ang mga pangalan sa mundo ng Social Media.
Ayon sa ilang mga nakapanayam ng IFM Dagupan na mga aspirante, partikular sa mga first timers na pumasok sa pulitika ay wala raw masama sa pagtakbo sa isang posisyon lalo na kung malinis ang intension at motibo ng mga ito.
Inaasahan din daw nila na maging maayos at mapayapa ang magaganap na halalang pambaranggay at wala umanong mabalitaan na kahit anong insidente ng kaguluhan o pandaraya lalo na pagdating vote counting.
Samantala, handa na rin ang pamunuan ng COMELEC Dagupan maging ang mga katuwang na ahensya sa pagdaos ng BSKE 2023 sa darating na Oct. 30. |ifmnews
Facebook Comments