Umaasa ngayon ang ilang mga bumoto sa isinagawang halalang pambarangay sa mga posibleng pagbabago sa oras na maupo na ang mga bagong halal na mga barangay officials sa kani-kanilang mga barangay.
Ayon sa ilang mga Dagupeno na nakapanayam ng IFM news team, madami dami ngayon ang mga bagong mukha na naihalal kung kaya’t sana umano ay may mga nakalatag ang mga ito na bagong mga aktibidad at ordinansa kung saan makikinabang ang kanilang mga kapwa ka-baranggay.
Ilan sa inaasahan ng mga ito ay ang mas mabisa sanang health services sa loob mismo ng kanilang mga barangay maging pagtutok sa mga kabataan lalo at nasasangkot ang ilan sa mga ito sa samut-saring gulo at aksidente.
Hiling din nila ang mas mahigpit na peace and order na siyang talaga naman daw dapat na nag-uumpisa sa loob ng mga barangay nang sa gayon ay mas maging epektibo pa ang pagpapalawig ng kaayusan at kapayapaan sa lungsod.
Sa ngayon ay kanya-kanya na ring nagpapasa ng mga SOCE ang mga kumandidato sa opisina ng COMELEC para sa kanilang completion. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments