Ilang mga bus companies nagbayanihan para tumulong sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses sa Isabela at Cagayan.

Nakatakdang tutulak ang 2 bus mula sa Five Star Bus Co. upang magsagawang relief operation sa Cagayan at Isabela provinces.

Ayon kay Gian Couton Coordinator ng Tulong Cagayan ipinabatid nito sa publiko, partikular na sa mga grupong nais tumulong sa mga residenteng lubhang naapektuhan ng Bagyong Ulysses sa Cagayan Valley at Isabela na ang kanilang mga bus ay handang tumulak at mag-deliver ng mga relief goods patungo sa Cagayan Valley at Isabela.

Paliwanag ni Couton, mamayang madaling araw ay handang tutulak na patungo Cagayan Valley at Isabela ang kanilang mga bus para magbigay ng relief goods sa mga biktima ng Bagyong Ulysses.


Panawagan nito sa mga good samaritan na nais tumulong maaari nilang ipadala ang kanilang mga donasyon sa kanilang terminal ng Five Star sa Cubao terminal upang i-dispatch ang kanilang mga ibibigay na donasyon patungong Cauayan, Isabela na kayang puntahan kahit ang pinakamalayong lugar sa bahagi ng Norte.

Tinitiyak ni Couton na ang kanilang mga donasyon ay makararating sa Cagayan Valley kung saan kailangan lamang nilang makipag-ugnayan sa kanilang mga dispatch team.

Napag-alaman na tanging ang mga malalaking sasakyan lamang ang maaaring makakapasok papuntang Cagayan Valley kung saan ang kanilang sasakyan ay handang-handa at fully-equipped sa naturang mga operasyon.

Giit ni Couton malaking bilang ng komunidad sa Cagayan Valley ay kailangan ng kanilang agarang tulong dahil tanging mga malalaking sasakyan lamang ang maaaring makakadaan sa maputik na lugar dulot ng mga pagbaha sa naturang lugar.

Facebook Comments