Inaasahan na ng ilang mga business owners sa Dagupan City partikular sa ilang bahagi sa kahabaan ng Perez Blvd. ang magaganap na dayalogo umano sa pagitan nila at ang ahensyang DPWH at lokal na pamahalaan ng lungsod kaugnay sa uumpisahang proyekto na road elevation at drainage upgrade sa nasabing bahagi.
Sa kasalukuyan, pagkatapos ng naranasang pagbaha noong nakaraang linggo ay nagpapatuloy na ngayon ang konstruksyon na phase 1 ng nasabing proyekto sa kahabaan ng Arellano-Bani at bahagi sa AB. Fernandez.
Nais umano ng mga ito na mas mapaliwanagan pa ukol sa nasabing proyekto at nang makapaghanda umano sila kung mauumpisahan na ito sa bahagi ng nakatayo nilang pwesto.
Ang iba ay sang-ayon naman kung makakatulong naman daw ito sa paglutas ng problemang pagbaha sa lungsod, bagamat ang ilan ay nagpahayag din ng kanilang di pagsang-ayon at sinasabing masyado raw umano mataas ang naumpisahan nang pagsasaayos sa mga kakalsadahan.
Matatandaan na ilang mga establisyimento ang mga naipatayo bagamat nakain na ng pwesto ang dapat ay kalsadahan pa rin.
Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang tulong na maaari nilang maiabot para sa mga maaapektuhang negosyo kapag uumpisahan na ito.
Samantala, ang nangyayaring road elevation at drainage upgrade ay proyekto ng DPWH Region 1 na nakikita umanong solusyon upang maresolba ang pagbaha na matagal nang problema ng Dagupan City. |ifmnews
Facebook Comments