Dumagsa ang ilang pasahero sa isang bus terminal sa Sampaloc, Maynila.
Karamihan sa kanila ay mga chance passenger na hindi agad nakakuha ng booking o reservation upang makabiyahe at makauwi sa kani-kanilang probinsya.
Kaugnay nito, umaasa ang mga nabanggit na pasahero na makakauwi sila ngayong Miyerkules Santo upang makapag-bakasyon kasabay ng paggunita ng Semana Santa.
Sa inilabas naman na abiso ng pamunuan ng kumpaniya ng bus, sapat ang kanilang unit kung saan sisikapin nila na maglaan pa ng iba para mapagbigyan ang mga chance passenger kung saan inaabisuhan nila ang mga nagpa-reserve na mag-abiso ng maaga kung ikakansela ang booking.
Ang mga biyahe naman ng bus sa terminal sa Sampaloc ay patungong Abra, Tuguegarao, Aparri, Cagayan, Claveria, Isabela, Cauayan, Santiago at Cabanatuan.