Ilang mga Chinese national sa Zambales, inaresto ng PCG

Naharang at inaresto ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pitong Chinese National na sakay ng isang barko.

Ito’y matapos ang iligal na pagdaong nito sa San Felipe, Zambales.

Sa report ng PCG, unang daraong sana ang naturang barko sa Manila International Container Terminal (MICT).


Pero dahil sa mataas na singil ng anchorage fee ay nagdesisyon itong magtungo sa Zambales.

Agad isinailalim sa ininspeksyon ng PCG ang barko at dito na nila natuklasan na wala itong mga ligal na dokumento maging ang mga tripulante.

Kakasuhan ng PCG ang mga naaresto na Chinese national dahil sa paglabag sa batas ng Pilipinas.

Facebook Comments