Mas pinipili muna ng ilang mga college student na apektado ng rerouting scheme sa ilang bahagi ng Dagupan City ang paglalakad para makapunta sa kani-kanilang mga unibersidad.
Bumaba ang mga ito sa may junction area at lalakarin na lang daw papunta sa kanilang mga unibersidad dahil kung paiikutin pa nila ang mga sasakyan ay paniguradong mahuhuli sila sa kanilang mga klase habang swerte naman ng ilan na malapit lang ang mga tahanan sa mga eskwelahan at hindi na maaabala sa pagpasok sa kanilang klase.
Bahagyang nagkakaroon ng mabagal na daloy ng trapiko sa bahagi ng AB Fernandez Ave. dahil halos lahat ng pampasahero at pribadong sasakyan ay lumiliko sa direksyong ito.
Di rin muna sinusunod ang mga traffic light para sa mga sasakyan at ilang mga traffic enforcers na nakatalaga muna ang kumokontrol at nagmomonitor sa mga kakalsadahan na sakop ng rerouting scheme.
Sa ngayon, may ibang sasakyan talaga na hindi maiwasang mainip at bumubusina na ngunit pinangunahan naman na ng POSO Dagupan na asahan talaga ang mga ganitong klase ng pagkaantala pagkat limitado lamang ang mga maaaring daanan sa ngayon. |ifmnews
Facebook Comments