Dumadaing pa rin ang ilang mga college students sa Dagupan City dahil sa kanilang mga nararanasan habang patuloy ang konstruksyon ng drainages at kalsada malapit sa kanilang mga unibersidad.
Hirap dumaan ang mga estudyante papunta sa kanilang mga eskwelahan dahil bako bako na ang daanan sa gilid at kung dadaan naman sila sa gitna ng kalsada ay baka mahagip naman sila ng mga sasakyang dumadaan.
Pahirapan din umano kapag umuulan dahil pumapasok sa kanilang mga dinadaanan ang tubig ulan kaya no choice ang ilan kung hindi ang magtanggal ng sapatos o di kaya ay lumusong na lamang.
Dagdag pa ng ilang estudyante na naaabutan din nila minsan ang mabagal na usad ng trapiko dahil sa sikip ng kalsada na pwedeng daanan sa ngayon.
Sa dami ng mga estudyanteng nag aaral sa mga unibersidad na magkakalapit lamang ay hindi umano talaga maiiwasan na magsiksikan sa mga daanan na nakalaan muna para kanila. |ifmnews
Facebook Comments