Pansamantala munang isinara ng ilang mga organizers ang itinayo nilang community pantry sa lungsod ng Maynila.
Ito’y dahil sa kulang na ang pondong hawak ng mga organizer at kakaunti na lang din ang nagbibigay ng donasyon.
Kabilang sa mga community pantry na pansamantalang nagsara ay sa Balut, Tondo at Sta. Ana habang una ng tuluyang nagsara ang community pantry sa Pandacan.
May ilang community pantry rin sa lungsod ng Maynila ang posible na rin magsara sa mga susunod na araw dahil sa paubos na ang kanilang pondo.
Paliwanag ng ilang organizers, dumarami ang bilang ng indibdwal ang nangangailangan pero kakaunti naman ang nagbibigay donasyon.
Matatandaan na una ng inihayag ng lokal ma pamahalaan ng Maynila na suportado nila ang pagtatayo ng mga community pantry sa lungsod lalo na’t malaking tulong ito sa publiko kung saan iginiit nila na hindi na kailangan ng permit habang ang ilang Police Community Precint ng Manila Police District ay nagsimula na ring magtayo nito.