ILANG MGA COMMUTERS SA DAGUPAN CITY, NAPANSIN ANG PAGDAMI NG MGA NAKAPARADANG SASAKYAN SA KALSADAHAN

Napansin ng ilang mga commuters at mga concerned Dagupenos ang pagdami ng mga nakaparadang sasakyan sa ilang mga pangunahing kalsadahan sa lungsod ng Dagupan.
Isang malaking katanungan din sa kanila kung bakit umano nahayaan ang mga ito na nakapark sa mga sidewalks lalo na at sa kasalukuyan ay nararanasan ang mas makitid na mga daanan sa dahilan ang mga isinasagawang mga road projects para umano masolusyunan ang problemang pagbaha.
Dagdag umano ang mga nakapark na mga pribado man pampublikong sasakyan sa mas bigat ng daloy ng trapiko ngayon.

Nais ng mga ito na isangguni sa kinauukulan partikular ang hanay ng POSO Dagupan upang masagot umano ang kanilang katanungan kaugnay dito.
Samantala, sa bahagi ng Perez Bridge kung saan kapansin pansin ang nakaparadang mga pribadong sasakyan, ay nauna nang pinaalalahanan ang publiko na pansamantala muna itong ginagamit habang inaayos muna ang parking space ng nakatayong ospital doon. |ifmnews
Facebook Comments