ILANG MGA CONCERNED AT APEKTADONG DAGUPEÑO SA KASALUKUYANG NAGAGANAP NA PUBLIC CONSULTATION, IPINAHAYAG ANG HINDI PAGSANG-AYON SA KONSTRUKSYON NG ROAD ELEVATIONS AT DRAINAGE UPGRADES

Ipinahayag ng dumalong mga concerned citizens, ang mga apektadong Dagupeño ang kanilang hindi pagsang-ayon sa kasalukuyang konstruksyon ng pagpapataas ng mga kalsadahan at pagpapalaki ng mga drainage systems partikular sa Arellano St at sa AB Fernandez Ave sa lungsod.
Isa-isa ring pinakinggan ang kanilang mga hinaing at saloobin sa kung paano ang mga ito ay direktang naapektuhan ng nangyayaring konstruksyon.
Partikular sa mga nabanggit na nararanasang suliranin ay ang kalagayan ng nasa mahigit dalawampung libo o 20,000 na mga mag-aaral sa isang Universidad dito sa lungsod at dahil hindi maayos na naiparating ang dapat sanang public Consultation ay walang agarang plano ang mga ito para sa kapakanan ng mga estudyanteng apektado sa bahaging under construction.

Nagpahayag din ng saloobin ang dating miyembro ng Flood Mitigation Commission na mapupunta lahat ng tubig sa mga pinakamababang bahagi sa siyudad dahilan para lubos na maapektuhan ang mga ito dahil maaaring magsilubugan ang mga kabahayan.
Nabanggit din ang lebel na tubig na inaaayon sa sukat ng mga ginagawang drainages at kung na ikonsidera pa ang lebel ng tubig kapag high tide season o kaya naman kapag may pag-ulan.
Dagdag pa ng ilang concerned taxpayers ng Dagupan City na ang pagpapataas ng mga kalsadahan ay hindi naman umano ang solusyon sa bahang matagal nang problema ng lungsod.
Samantala, Dinaluhan ang nasabing konsultasyon ng mga kawani mula sa Department of Public Works and Highways mula sa National at Regional Office, mga Admin mula sa mga University sa lungsod, ilang concerned Dagupeños upang makibahagi sa naturang isyu. |ifmnews
Facebook Comments