ILANG MGA CONCERNS NG SOLO PARENTS SA LUNGSOD NG DAGUPAN, PINAKINGGAN AT TINALAKAY

Pinakinggan ni Mayor Fernandez ang ilang mga concerns at hinaing na personal na ipinahayag ng mga solo parents sa Dagupan City.
Partikular ang usapin ukol sa kanilang mga kabuhayan na naapektuhan bunsod ng nagdaang bagyo at naranasang matinding pagbaha.
Ilan umano sa mga ito ay may planong magbukas ng mga sari-sari store, bigasan at iba pang mga hanapbuhay na maaaring makatulong sa kanilang pamumuhay at sa mga binubuhay nilang mga anak.

Matatandaan na kabilang sa programang inihahanda para sa mga ito ang iminungkahing budget kabilang sa 2024 kung saan mayroong laang tulong pinansyal para sa isang libong solo parents buwan buwan.
Prayoridad din ang mga ito sa mga programang nakaayon sa tulong pangkabuhayan o mga Livelihood programs katuwang ang mga national agencies na may layong masiguro ang pagkakaroon ng financial source para sa kanilang binubuhay na mga anak.
Kwalipikadong benepisyaryo rin ang mga ito ng libreng medical check-up at laboratories tulad ng X-Ray, City Scan at iba pa.
Sa kasalukuyan, nasa pitumpu’t-tatlo o 73 bilang ng rehistradong solo parents sa siyudad at para sa mga nais na magparehistro at mapabilang sa mga benefits na laan para sa kanila ay bukas naman umano ang kanilang tanggapan. |ifmnews
Facebook Comments