Ilang mga construction projects sa Metro Manila, hindi sumusunod sa Occupational Safety and Health Standards – ayon sa DOLE

Nadiskubre ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi sumusunod sa Occupational Safety and Health (OSH) Standards ang mayorya sa mga construction projects na inspeksyon ng ahensya sa Metro Manila.

Ayon sa DOLE, sa 95 construction projects na kanilang ininspeksyon mula August 1 hanggang 15, nasa 52 dito ang natuklasang may paglabag sa OSH.

Partikular sa mga nilalabag ng mga ito ay ang hindi pagsusumite ng Construction Safety and Health Program (CSHP) sa lugar ng trabaho at ang kawalan o hindi sapat na mga itinalagang OSH personnel, tulad ng mga safety officer at first aider.


Hindi rin nagsusuot ng Personal Protective Equipment (PPE) ang ilan sa mga manggagawa.

Dahil dito, pinapayuhan ang 20 construction sites na napatunayang may mga paglabag sa PPE na magpatupad ng agarang pagwawasto.

Nagpaalala naman ang DOLE na kailangan sumunod ng mga construction companies sa OSH upang maiwasan ang malalaking aksidente na nagreresulta sa pagkakaroon ng kapansanan o kamatayan ng isang empleyado.

Facebook Comments