ILANG MGA CONSUMER, HIRAP SA PAG-BUDGET DAHIL SA WALANG PAGBABAGONG PRESYO NG MGA BILIHIN NGAYON

Kahit pa walang pinagbago sa presyo ng ilan sa mga pangunahing binibili ngayon sa palengke at ilan pang kakailanganin ng mga mamimili, dumadaing pa rin ang mga consumer sa halaga ng bawat produktong kanilang binibili gaya na lamang ng pagkain kaya naman hirap sila sa pag-budget.
Kahit sa gasolina, bagamat nagbaba ito ng presyo nitong linggo lamang ay hindi pa rin ito sapat para sa mga consumer dahil na rin sa nananatiling presyo ng mga bilihin.
Ayon kay ate Gina, isa sa mga mamimili, alam naman daw nila na hindi na maibabalik pa ang dati kung saan mas mababa talaga ang presyo ng mga bilihin pero sadyang di nila maiwasang dumaing dahil na rin sa hirap ng buhay lalo na at ang sweldo lang nila ay halos hindi makaabot sa iba pang dapat paggastusan.

Ayon sa kanila, mas ramdam nila ang hirap ngayon sa pagbubudget lalo na sa mga kakarampot lamang ang sinisweldo o kinikita.
Sa ngayon, ang mababang presyo ng pagkain na kanilang binibili sa palengke ay gulay kung saan nasa 30-50 pesos ang kada kilo ang mga ito, depende sa gulay na bibilhin pero hindi naman daw dapat puro gulay ang kanilang ihain.
Ang iba kasi, hindi pa rin abot kayang makabili ng karneng baboy kung saan ang presyo ay naglalaro mula sa starting price na 240 hanggang 350 pesos per kilo depende sa parte ng baboy.
Umaasa naman ang ilan sa pagpapatupad na umano sana ng 150 pesos na taas sweldo sa mga manggagawa, hindi lamang sa ibang lugar kung hindi pati na rin sa mga kalapit na probinsya gaya dito sa Pangasinan. |ifmnews
Facebook Comments