Ilang mga COVID-19 patient sa NCR, inilipat sa Manila COVID-19 Field Hospital

Inilipat na sa Manila COVID-19 Field Hospital ang ibang pasyente ng COVID-19.

Ito’y dahil sa tumataas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Unang inihayag ng Department of Health (DOH) na ilang mga ospital ngayon sa Metro Manila ang binabantayan dahil napupuno na ang kanilang mga ward.


Ayon kay acting Health Secretary Maria Rosario Vergeire, mayroon lamang apat o lima na lugar sa NCR kung saan nakitaan nila na medyo napuno ang kanilang mga hospital partikular sa kanilang ward.

Sinabi pa ni Vergeire na nakipagpulong na ang DOH sa mga Local Government Unit at hospital administrators sa Metro Manila para ilipat ang mga mild at asymptomatic na kaso ng COVID-19 sa decongested na mga ospital tulad ng Manila COVID-19 Field Hospital.

Ayon naman kay Atty. Princess Abante, spokesperson ni Manila Mayor Honey Lacuna, nasa 38 pasyente pa lamang ang naka-admit sa Manila COVID-19 Field Hospital batay na rin sa datos mula sa Manila Health Department.

Facebook Comments