Ilang mga Dabawenyo, nagpapa-book na rin ng bus ticket online para sa Undas

Maagang naghahanda ang iilang mga Dabawenyong pasahero para sa pag-uwi sa kanilang mga probinsya sa nalalapit na Undas, kasunod ng pagpapa-book nila ng bus tickets online sa Davao City Overland Transport Terminal (DCOTT).
 
Sa panayam ng DXDC RMN Davao sa DCOTT Head na si Aisa Usop, nagpapatuloy ang online booking system ng terminal at marami-rami na ang gumagamit nito upang masiguro ang kanilang biyahe.
 
Gayunman, napansin pa rin niya na mas marami ang direktang pumupunta sa terminal kaysa gumagamit ng online booking.
 
Nagpaalala rin si Usop sa lahat ng mga pasahero sa Davao City Terminal na huwag basta-basta iwanan ang kanilang mga bag upang maiwasan ang anumang kahina-hinalang sitwasyon na maaaring makatawag-pansin sa mga awtoridad.
 
Tiniyak naman ng pamunuan ng DCOTT na patuloy nilang ipinatutupad ang mahigpit na seguridad sa loob ng terminal upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng biyahero, lalo na sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong Undas.

Facebook Comments