Muling alalahanin ng ilang mga Dagupeno lalo na ang mga nasa low-lying areas o mga mababang lugar na madalas apektado ng pagbaha ang maaaring banta sa kalusugan ng sakit na dengue at leptospirosis lalo sa panahon umano ng high tide.
Bagamat ang iba sa mga ito ay hindi na umano bago ang pagbaha, nangangamba pa rin sila sa mga sakit na maaaring pagmulan ng nararanasang mataas na lebel ng tubig sa lungsod.
Hindi rin daw lahat sa mga kabahayan ay may pamproteksyon sa baha tulad ng bota na malaking tulong sana laban sa maruming tubig at leptospirosis lalo na at hindi naman kataasan ang pagbaha ngayon.
Iba pa raw umano ang bantang maaaring idulot ng sakit na dengue dahil sa tuwing may pagbaha ay hindi rin umano maiwasan ang mga nakatiwangwang na mga naiwang tubig na maaaring pamugaran ng lamok.
Samantala, nagpaalala naman ang lokal na pamahalaan ng Dagupan ukol sa mga safety tips at laban sa mga sakit na W.I.L.D Diseases (Waterborne infectious diseases, Influenza, Leptospirosis at Dengue) upang hindi madapuan at maiwasan ng mga ito.
Maaari rin umanong mgatungo ang mga ito, partikular ang mga taong sumusuong sa baha na pumunta sa pinakamalapit na health center/facility at hanapin ang mga Barangay Nurses o Barangay Health Workers upang makahingi ng Doxycycline capsules bilang proteksyon laban sa Leptospirosis. |ifmnews
Facebook Comments