Naghahanda na ang ilang mga Dagupeno sa kanilang mga hakbanging isasagawa kung sakaling magpapatuloy umano ang hightide season na sinabayan pa ng nararanasang pag-ulan dulot ng Typhoon Goring.
Matatandaan na epekto ng nagdaang bagyong Egay ang naranasang matinding pagbaha sa lungsod na umabot ng halos isang linggong nalubog ang mga kalsadahan at kabahayan.
Ayaw na umano maulit ng mga ito ang nangyari lalo na at parecover pa lamang ang mga ito mula sa pinsalang dulot ng kalamidad tulad ng pagkalubog ng mga bahay, nawala at hindi naisalbang mga kagamitan.
Ayon kay Kuya Joseph ng Brgy. Lucao, dahil sa tuwing high tide season ay napapasukan talaga ang kanilang bahay ng tubig baha, una na nilang itinaas ang ilan sa kanilang mga kagamitan upang hindi na umano maabot ng tubig baha.
Si aling Estrella naman ng Brgy. Pogo Grande, mamimili na rin umano ang mga ito ng kinakailangang mga pagkain at essentials dahil kung sakaling tataas muli ang tubig ay handa umano ang mga ito at may makakain ang pamilya.
Samantala, ilang mga kabayahan na sa Dagupan City ang muling nakararanas ng pagbaha dulot ng high tide, maging ang ilang mga main roads din, bagamat mabilis naman ang paghupa nito. |ifmnews
Facebook Comments