ILANG MGA DAGUPEÑO, NAGPAHAYAG NG SALOOBIN KAUGNAY SA ROAD REROUTING NA IPAPATUPAD SA OCT 8

Ilang mga residente sa Dagupan City ang nagpahayag ng opinyon kaugnay sa inilabas na road rerouting ng hanay ng POSO Dagupan na magiging epektibo sa araw ng Linggo, Oct. 8 ngayong taon.
Bunsod pa rin ang nasabing road rerouting sa konstruksyon ng mga road elevation at drainage upgrade ng nagdudulot sa kasalukuyan ng mabigat na daloy ng trapiko sa lungsod.
Ayon sa ilang tricycle drivers, base sa inilabas na one way traffic scheme sa partikular lang bahagi, mas mahihirapan umano ang mga ito dahil tiyak na mas malayo ang iikutang ruta. Kung humingi man umano ang mga ito dagdag pasahe ay sana raw ay maintindihan sila.

Ang mga pasahero naman, bukod sa mahabang byaheng inaasahan ay kinakailangan umano ng mga ito na maglaan na ng mas maraming oras bilang paghahanda umano sa traffic na mararanasan.
Samantala, ilan pang detalye ng balita kaugnay nito ay inyong malalaman pagkatapos ng magiging panayam sa POSO Dagupan. |ifmnews
Facebook Comments