ILANG MGA DAGUPEÑO, NAGPAHAYAG NGAYON NG KANILANG SALOOBIN KAUGNAY SA MATAAS UMANONG SINGIL PASAHE SA SASAKYANG TRICYCLE

Nagpahayag ngayon ng samu’t saring saloobin ang mga Dagupeno at maging mga netizen sa social media kaugnay sa mataas umanong singil pasahe ng mga tricycle drivers sa lungsod.
Anila, madalas daw umano mangyari ang ganitong insidente kung saan kahit malapit lang ang rutang dadaanan, sobra daw sa paniningil ang ibang mga tricycle drivers at umaabot pa umano sa punto na nagagalit ang mga ito dahil nakukulangan sila sa ibinayad na pamasahe.
Pahayag pa ng iba na mayroon na sanang fare matrix na siyang tutukoy sa halaga ng bayad na nagdedepende sa karagdagang kilometrong ipagmamaneho ng mga ito.

Nakisimpatya naman ang ilan sa mga tricycle drivers at sinabi na ikonsidera sana ang kinakaharap na pagbaha at ang taas presyong naranasan ngayon sa mga produktong gasolina.
Sa ngayon ay nais ng publiko na maaksyunan umano ito ng gobyerno at ng kinauukulan lalo na at marami umano ang nakararanas ng nasabing isyu. |ifmnews
Facebook Comments