ILANG MGA DAGUPEÑO, NANGANGAMBA SA MGA EPEKTO NG NARARANASANG PANAHON NGAYON

Nangangamba ang ilang mga Dagupeño sa mga epekto ng nararanasang panahon ngayon.
Partikular sa binanggit ng ilan sa ating mga nakapanayam ay ang nararamdamang mga pagsipon at pag-ubo, dahil daw umano sa nararanasang pabago-bagong lagay ng panahon, mahirap daw umano na nararamdaman ang mainit at biglang pag-ulan dahilan na maaaring manghina ang kanilang mga pangangatawan.
Matatandaan na noong nakaraang mga araw ay naranasan ang tuloy tuloy na pag-ulan at kailan lamang ay ang inaasahang epekto ng lumalakas na El Niño at posibleng magdulot ng mas tuyo at mainit na panahon sa malaking bahagi ng bansa, lalo na simula sa huling quarter ng 2023 hanggang sa unang bahagi ng 2024 ayon sa PAGASA.

Samantala, nagbigay na rin ng paalala ang LGU Dagupan ng ilang mga health at safety tips kung sakaling makaranas o maka-encounter ng mga sakit na umaatake ngayong mainit na panahon.
Mainam ang pag-inom ng walo hanggang sampung baso ng tubig kada araw upang maiwasan ang dehydration, gayundin ang pamamalagi sa mga preskong lugar at pagdala ng mga pamproteksyon sa init tulad ng payong, sumbrero at pamaypay. |ifmnews
Facebook Comments