Nangangamba ang ilang mga dagupeño dahil sa maaaring maging epekto ng bagyong Egay lalo at idineklara na ito bilang isang Super Typhoon.
Noong alas dos ng hapon kahapon July 25 ay naranasan ang malakas na bugso ng hangin at pag-ulan sa lungsod ng Dagupan kung saan napilitang tumigil muna sa pamamasada ang ilang mga motorboat drivers sa Island Barangays.
Inihahanda naman ng ilan ang kanilang mga tahanan para sa paparating ng bagyo gaya ng paglalagay ng kanilang mga kagamitan sa matataas na bahagi bilang alam na rin naman na nila na babaha kung sakali.
Ang ibang mga bahay na may light material, itinali na ng paikot ang gilid ng kanilang mga tahanan sa mga matitibay na katabing puno at naglagay na rin ng batong pampabigat sa mga bubong upang hindi na tangayin ng malakas na hangin.
Hindi pa man nalalaman kung direkta nga bang matatamaan ang probinsya ngunit mas mabuti na umanong maghanda.
Ngunit sa kabila ng pangambang dulot ng super typhoon egay ay patuloy pa rin sa pagbibigay ng typhoon signals at paaalala ang DOST PAGASA maging ang lokal na pamahalaan ng Dagupan City kung saan maaga na rin na itinaas ang pansamantalang pagbabawal na pumalaot at pagbisita sa mga dagat gaya na lamang ng sa tondaligan beach. |ifmnews
Facebook Comments