
Nananawagan ang isang retired general ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na magbitiw na sa puwesto si Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr.
Ito’y matapos na mabunyag ang Maltese citizenship ni Teodoro na balido mula 2016 hanggang 2026.
Sa kabila na isinuko na umano ng kalihim ang kaniyang Malta passport noong tumakbo siya sa pagka-senador noong 2022, umani na ito ng pagtuligsa.
Isa rito si Ret. Brig. Gen. Orlando De Leon na dating Deputy Commander ng Western Mindanao Command at miyembro ng PMA Academy Class 1982.
Ayon kay De Leon, dapat ng magbitiw sa pwesto si Teodoro dahil kwestyunable na ang kaniyang katapatan at kredibilidad.
Aniya, hindi na angkop ang kalihim sa isang napaka-sensitibong posisyon sa DND o Department of National Defense.
Maging ang political analyst na si Anna Malindog-Uy ay kinuwestyon na rin ang kawalan ng patunay ng pagtalikod ni Teodoro ng kaniyang Maltese citizenship.









