Ilang mga deboto, dumagsa sa Quiapo Church kahit tapos na ang Traslacion; Mga nagtitinda, balik na rin sa kanilang pwesto

Balik normal na ang sitwasyon sa paligid ng Basilika Menor at Pambansang Dambana ni Hesus Nazareno sa Quiapo, Maynila.

Bagamat tapos na ang Traslacion, marami pa ring deboto ang nagtungo sa simbahan lalo na’t ikalawang Biyernes ng taon kung saan oras-oras ang misa.

Maging ang mga vendor sa paligid ng simbahan ay balik na rin sa kanilang pwesto para magtinda matapos pagbawalan dahil sa nasabing okasyon.


Ang ilan sa kanila ay ngayon lang bumalik sa pwesto matapos ang apat na araw na hindi pagtitinda kung saan kusa nila itong ginawa bilang pakikiisa sa kapistahan ng Poong Hesus Nazareno.

Bantay-sarado naman ng MPD ang paligid ng simbahan habang bahagya namang bumabagal ang daloy ng trapiko dahil sa may ilang motorista ang pansamantalang humihinto para magbigay-pugay sa Poong Hesus Nazareno.

Facebook Comments