Ilang mga deboto, maagang nagtungo sa Quiapo Church bitbit ang replika ng Poong Hesus Nazareno

Maagang nagtungo ang ilang mga deboto sa Basilika Menor at Pambansang Dambana ni Hesus Nazareno sa Quiapo, Maynila.

Ito’y para sa gagawing pagbabasbas ng replika ng Poong Jesus Nazareno na gagawin mamayang 1:30 ng hapon.

Ang ilan sa kanila ay kagabi pa nagtungo sa paligid ng Quiapo partikular sa Carriedo at Carlos Palanca Street upang paghandaan ang naturang aktibidad.


Paraan na rin daw ito upang hindi maipit sa posibleng pagsikip ng daloy ng trapiko lalo na’t may mga pasok na sa trabaho at paaralan.

Karamihan sa kanila ay mula pa sa iba’t ibang lungsod at kalapit na lalawigan kasama ang mga kaanak at kaibigan na kapwa nila deboto.

Para maging maayos naman ang proseso, umaalay sa kanila ang mga miyembro ng Hijos del Nazareno habang mahigpit na nagbabantay ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD).

Facebook Comments