Tuesday, February 10, 2026

Ilang mga dokumento ng Cabral files, hindi umano makita ayon kay Omb. Remulla

Sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng Cabral files, ibinunyag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na may ilan sa mga dokumento nito ang hinahanap pa matapos na mai-turnover sa kanilang opisina.

Iyan ang kaniyang inihayag sa punong balitaan ngayong tanghali sa lungsod ng Baguio.

Ayon kay Remulla, nang kanilang suriin ang computer kung nasaan ang naturang mga dokumento ay may parte nito na hindi na makita.

Hindi naman nangangamba si Remulla dahil ang aniya ay kumuha ang Ombudsman ng kumpletong kopya ng Cabral files sa cloud na pagmamay-ari ng gobyerno.

Samantala, hindi na nagbigay pa ng detalye si Remulla kung ano ang mga nawawalang dokumento sa Cabral files dahil kanila pang inaayos ang naturang dokumento matapos na magkaroon ng kalituhan habang isinasailalim pa rin ito ng imbestigasyon.

Facebook Comments