Thursday, March 19, 2026

Ilang mga driver at operator ng pampasaherong jeep, nagsasagawa ng kilos-protesta sa Monumento, Caloocan City

Sinimulan na ng mga tsuper at operator ng pampasaherong jeep na pawang mga miyembro ng PISTON ang kilos-protesta kasabay ng tigil-pasada sa Monumento Circle sa Caloocan City.

Giit ng mga nagkikilos-protesta, napapanahon na para tanggalin ang Value-Added Tax (VAT) sa langis at tuluyan ng ibasura ang ipinapatupad na oil derugalation law.

Panawagan nila sa pamahalaan na tutukan ang problema lalo na’t bukod sa kanila, ang taumbayan rin ang lubos na nahihirapan.

Hiling rin nila na i-rollback ang presyo ng produktong petrolyo kung saan halos wala na silang kinikita dahil sa pagpapakarga lamang ng krudo napupunta ang pera sa maghapon na pasada.

Hindi rin daw sapat ang mga pansamantalang ayuda na ibinibigay o ibibigay ng pamahalaan kung saan ipinatigil pa ang dagdag pasahe sa pampublikong sasakyan.

Isipin din sana ng gobyerno ang kalagayan nila maging ng kanilang pamilya na patuloy na nahihirapan sa kanilang kasalukuyang sitwasyon.

Facebook Comments