Hinihintay na umano ng ilang mga driver ng mga pampasaherong jeep sa lungsod ng Dagupan ang naaprubahang one time fuel subsidy para sa mga kabilang sa transport sektor na apektado ng ilang linggo nang nararanasang bigtime oil price hike sa kasalukuyan.
Malaking tulong umano ang tulong nito sa kanila lalo na at sa ngayon ay nasa ikasampung linggo na ang pagsirit sa presyo ng mga produktong petrolyo, dagdag pa umano ang nagmamahalang mga bilihin din sa merkado.
Ayon pa sa mga ito, maigi ang ganitong mga plano para sa kanila na labis din nilang ikinatuwa bagamat mas matutuwa pa raw ang mga ito kung matatapos na umano ang serye ng oil price hike.
Ayon naman kay Transportation Secretary Jaime Bautista, mauumpisahan na umano ang pamamahagi ng fuel subsidies na nagkakahalaga ng 1.36 million sa mga drivers nationwide sa loob ng susunod na dalawang araw hanggang akinse ng buwan.
Naririto ang inaasahang halaga na matatanggap depende sa klase ng transportasyon na kanilang pinapasada. Ang Modernized Public Utility Jeepney (MPUJ): P10,000, Modernized Utility Vehicle Express (MUVE): P10,000, Traditional PUJ: P6,500, Traditional UVE: P6,500, Public Utility Buses (PUB): P6,500, Minibuses: P6,500, Taxis: P6,500, Shuttle Services Taxis: P6,500, Transport Network Vehicle Services: P6,500, Tourist Transport Services: P6,500, School Transport Services: P6,500, Filcabs: P6,500, Tricycles: P1,000, Delivery Services: P1,200.
Samantala, hanggang ngayon ay umaasa pa rin ang mga jeepney drivers ng lungsod sa pagbaba ng presyo ng mga produktong langis nang makumpleto na muli umano ng mga ito ang dapat na kita sa kada arawang pasadahan. |ifmnews
Facebook Comments