Nagsagawa ng surprise drug test ang Philippine Ports Authority (PPA) sa mga tauhan nito.
Ito’y bilang pagtalima sa umiiral na PPA Memorandum Order 04-2016 o ang “Drug Free Workplace Policy”.
Layon nito na magkaroon ng maayos, malinis, at malayo sa droga ang bawat tauhan sa mga opisina ng PPA.
Negatibo naman ang lahat ng resulta ng humigit kumulang 500 empleyado ng PPA mula sa Head Office, Port Management Office (PMO) ng NCR- North at PMO NCR- South.
Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, nais lamang nila na masiguro na naipatutupad ang mga naturang regulasyon para mapanatili ang kaayusan sa kanilang tanggapan.
Alinsunod ang nasabing memorandum sa RA 9165 o killala rin bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 kung saan ipinatutupad ang pagkakaroon ng “random drug testing” sa mga opisyal o empleyado ng mga pampubliko o pribadong opisina.
Suportado naman ng PPA ang pambansang polisiya laban sa iligal na droga at daan patungo sa ligtas at kaaya-ayang workplace environment.