ILANG MGA EMPLEYADO SA CITY HALL NG URDANETA CITY, NAGPAHAYAG NG REAKSYON UKOL SA IPINATAW NA SUSPENSYON KAY MAYOR PARAYNO

Nagpahayag ng sentimyento ang ilang mga empleyado ng city hall kaugnay sa ipinataw na Isang taong suspensyon kay Urdaneta City Mayor Julio Rammy Parayno mula mismo sa Office of the President.
Nalungkot umano ang mga ito nang mabalitaan ang ukol sa suspensyon.
Ang iba naman tila nadismaya at nagtataka kung bakit napatawan ang alkalde.

Kabilang ang bise-alkalde na si Jimmy Parayno na sinuspinde ng Malacanang sa kasong grave misconduct at grave abuse of authority.
Samantala, sanhi umano ito ng inihaing administrative complaint ni Liga ng mga Barangay President at ex-officio member ng Sangguniang Panlungsod ng Urdaneta Michael Brian Perez dahil sa pagtatanggal umano sa kanya sa mga nasabing posisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments