
Nagsuspinde ang ilang mga institusyon at unibersidad dito sa Dagupan City ng face to face classes alinsunod sa ipinapatupad na nationwide transport strike na epektibo kahapon.
Ilang lamang ang University of Luzon, Pangasinan State Universities sa Lingayen, Bayambang at Urdaneta, University of Eastern Pangasinan, at iba pang mga paaralan ang nagsuspinde ng face to face classes.
Naglabas ng isang Memorandum ang CHED o Commission on Higher Education na mag-implementa ang mga colleges at Universities ng flexible learning modalities upang hindi ma tigil ang klase sa kabila ng transport strike.
Bagamat suspendido ang face to face classes mula kahapon, March 6 hanggang March 10 ay hindi ibig sabihin na titigil na rin sa pag-aaral ang mga estudyante.
Magiging blended online learning at flexible learning ang set-up ng mga regular class sa mga paaralang nagsuspinde ng face to face classes.
Samantala, sumunod man sa nationwide transport strike ang ilang mga unibersidad dito sa Dagupan at maging ilan pa sa Pangasinan ay patuloy sa operasyon ang mga jeep sa Dagupan City tulad ng Lingayen Jeep na maaga palang ay pumapasada na.
Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang operasyon ng mga Pampasaherong jeep dito sa lungsod ng Dagupan maging ang mga jeep na may parutang pa San Carlos, Malasiqui, San Fabian, Mangaldan at iba pa. |ifmnews
Facebook Comments







