Ilang mga estero sa Maynila tambak pa rin ng mga basura

Manila, Philippines – Mistulang binalewala ng mga barangay chairman sa ilang lugar sa Maynila ang sangkaterbang mga basura at hindi kayang  linisin ang kani-kanilang mga  estero.

Kabilang sa mga sangkaterbang basura ay ang:

Estero Demay Pajo sa tapat ng Chinese Cemetery Rizal Avenue Tondo, Maynila;


Estero Dela Reina sa CM Recto malapit sa Dagupan Street Tondo Maynila;

Estero Magdalena sa CM Recto Tondo, Maynila

Matatandaan na binalaan ng DILG ang mga barangay chairman sa Metro Manila na tuwing linggo ay dapat linisin ang kani-kanilang mga estero.

Base sa records umaabot sa mahigit 200 estero sa Metro Manila na ang tubig ay direktang pupunta sa Manila Bay ang hindi pa nalilinis at tambak pa rin ng sangkaterbang basura.

Facebook Comments