Tuesday, January 20, 2026

Ilang mga estudyante at grupo ng kabataan, nagkasa ng kilos-protesta sa Comelec

Nagsagawa ng kilos-protesta ang ilang mga estudyante at grupo ng mga kabataan sa tapat ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Maynila.

Ito’y para himukin ang pamunuan ng Comelec na ibasura ang gawa-gawang cancellation case ng NTF-ELCAC na inihain laban sa Kabataan Partylist.

Giit ng mga kabataan, ang nasabing hakbang ay bilang pagpigil sa mismong kumakatawan ng kabataan.

Paraan din ito upang mapatahimik ang mga kabataan na nais lamang ipaglaban ang karapatan ng bawat mamamayan.

Isa rin itong paraan ng panggigipit upang hindi na magsalita pa ang mga nasa sektor ng kabataan sa mga isyu partikular sa nangyaring malawakang korapsyon sa flood control project.

Apela rin nila sa Comelec na tanggalin na ang mga political dynaties at mga pekeng partylist na hindi naman kumakatawam sa totoong marginalized sector.

Facebook Comments