Patuloy pa rin umanong nahihirapan ang ilang estudyante sa umiiral one rerouting scheme sa lungsod ng Dagupan partikular sa bahagi ng Arellano St. kung saan may mga unibersidad.
Ayon sa ilang estudyante sa UDD na nakapanayam ng Ifm Dagupan, patuloy pa rin silang nahihirapan dahil sa kawalan ng sapat na espasyo na kanilang dadaanan sana dahil sa umiiral na one road rerouting scheme at sa ongoing road elevation.
Hindi rin umano madali kung paiikutin pa ang mga jeep at saka sila ibababa sa intersection sa may Dawel bridge para isang sakayan muli pabalik sa Arellano St.
Kung Bolosan jeep naman ang sasakyan, titigil lamang sila sa bahagi ng AB Fernandez Ave. at saka lalakarin papunta sa kanilang unibersidad.
Sa ngayon, matatapos ang pagsasakatuparan ng one road rerouting scheme sa lungsod sa oras na matapos at capable to use na ang mga isinasagawang road at drainage elevation. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments