ILANG MGA ESTUDYANTE, NASCAM NG MGA NAGPANGGAP NA BOARDING HOUSE OWNERS SA BAYAN NG BINALONAN

Nakatanggap ng ilang reklamo at report ang lokal na pamahalaan ng Binalonan kung saan may mga estudyante na siningil umano ng reservation fee ng mga nagpanggap na boarding house owners sa bayan ng Binalonan.
Matapos umano kasing magbayad ng mga estudyante ng pera gamit ang online transaction ay bina-block na ang kanilang mga account at ayon pa sa kanila, ang ilan sa mga scammer ay nagsabi na pag-aari umano ng LGU Binalonan ang mga pinapaupahang boarding houses.
Mariin naman itong pinabulaanan ng lgu binalonan ay klinaro na wala silang boarding house project at walang katotohanan ang lahat ng mga claim ng mga nang-scam.

Nagbigay ng paalala ang LGU ukol sa mga nagsikalat na scammers ngayon at maging manigurado sa mga ka-transaksyon kung ito ay may sapat na Business Permit and License to Operate, Zoning Clearance, Sanitary Permit, Fire Safety Inspection Certificate, at Wastewater Discharge and Waste Segregation Permit ang mga boarding house na balak tirahan.
Huwag rin umanong basta-basta magsesend ng pera gamit ang online transactions lalo kung hindi pa kumpirmado kung lehitimo ang mga nagpapa-upa. |ifmnews
Facebook Comments