Ilang mga flight, kanselado na ngayong araw dahil sa sama ng panahon na epekto ng Super Typhoon Nando at habagat

Kanselado na ang ilang biyahe ngayong araw dahil sa masaman panahon na epekto ng Habagat at Super typhoon Nando.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), kanselado ang nasa 16 na flights para sa domestic.

Kabilang na ang biyahe ng Philippine Airlines
PR2195: Manila – Laoag
PR2197: Laoag – Manila
PR2198: Manila – Laoag
PR2199: Laoag – Manila
PR2688: Clark – Basco
PR2699: Basco – Clark
PR2932: Manila – Basco
PR2933: Basco – Manila
PR2018: Manila – Cauayan
PR2019: Cauayan – Manila
PR2036: Manila – Tuguegarao
PR2041: Tuguegarao – Manila

Cebu Pacific
5J504: Manila – Laoag
5J505: Laoag – Manila

Umabot naman sa halos 600 ang mga apektadong pasahero na hindi muna makaka-biyahe para na rin sa kanilang kaligtasan.

Inabisuhan rin ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang mga airline company para sa rebooking o refund ng kanilang pamasahe.

Una nang sinabi ng DOST—PAGASA, inaasahang bukas pa lalabas ang bagyo ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Facebook Comments