Ilang mga flight ngayong araw, kanselado na dahil sa masamang panahon

Kanselado na ang ilang flights ngayong araw ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Ito’y dahil pa rin sa masamang panahon na may kasamang pagkulog at pagkidlat na dulot ng Low Pressure Area (LPA).

Kabilang sa mga kanseladong biyahe ay ang 5J 504, 5J 505, PR 2014 at PR 2015 mula Manila hanggang Tuguegarao at vice versa.

Aabot naman sa 561 ang apektadong pasahero nang naturang kanselasyon.

Tiniyak naman ng CAAP na agad nilang in-activate ang Malasakit Help Desk sa koordinasyon pa rin sa Civil Aeronautics Board (CAB) at PNP Aviation Security Unit (AVSEU) Region 2.

Inabisuhan din ang lahat ng pasahero na makipag-coordinate sa kanilang mga airline para sa refund o rebooking concerns.

Facebook Comments