
Dahil sa patuloy na buhos ng ulan, naantala ang ilang pag-deliver ng mga suplay ng karne sa Centrla Public Market sa Maynila.
Bunsod nito, karamihan sa mga namimili sa nasabing palengke ay tinatangkilik ang mga frozen meat kung saan ang kada kilo ng karneng baboy ay nasa P170 habang ang liempo ay nasa P190.
Ang manok na frozen ay nasa P160 ang kilo habang ang baka ay nasa P250 ang kilo.
May mga nabibili pa rin na karne ng baboy na kahapon ng hapon dumating at nabibili ito ng P370 ang kilo habang ang porkchop ay nasa P330.
Samantala, mataas pa rin ang bentahan ng itlog dahil ang pinakamabana ay nasa P7.50 ang small at ang isang tray nito ay nasa P230 na dati ay nasa P190 lamang.
Ang pinakamababang presyo naman ng bigas ay nasa P40 ang isang kilo at ang pinakamahal ay hanggang P65.









