Ilang mga grupo at samahan ng LGBTQIA+, nagkilos-protesta sa Maynila

Nagkasa ng kilos-protesta ang iba’t ibang grupo ng mga kabataan na pinangunahan ng LGBTQIA+ sa Maynila.

Una silang nagtipon-tipon sa Morayta at plano sanang magtungo ng Mendiola pero hinarang na sila ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa Recto Avenue tapat ng Universtiy of the East.

Panawagan nila na solusyunan sana ang iba’t ibang isyu na kinahaharap ng bansa na nakaaapekto sa buhay ng pamilyang Pilipino.

Ilan dito ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin, mababang sweldo, regularisasyon sa trabaho, pantay-pantay na karapatan sa lahat.

Bahagya naman nagkaroon ng girian sa pagitan ng mga pulis at nagkikilos-protesta matapos tangkaing gibain ang barikada ng mga awtoridad.

Humupa lamang ang sitwasyon matapos makiusap ang mga lider ng mga nagkilos-protesta at MPD.

Nabatid na ang kilos-protesta ay kasabay na rin ng pagdiriwang ng Pride Month kung saan ang selebrasyon ay para sa mga LGBTQIA+ na malaki ang naiambag sa komunidad.

Facebook Comments