Ilang mga grupo, nagkasa ng protesta para ipanawagan na ipatupad ang batas sa reporma sa lupa

Nagkasa ng kilos-protesta ang iba’t ibang grupo sa kahabaan ng España Blvd. sa lungsod ng Maynila.

Partikular sa tapat ng University of Sto. Tomas kung saan kanilang panawagan ang natenggang batas na Presidential Decree No. 27 of 1972 o ang reporma sa lupa.

Giit ng mga grupo, 52 taon nang hinihintay ng mga magsasaka na maisakatuparan ang batas pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang napapala.


Panawagan nila na ipatupad na ng kasalukuyang administrasyon ang PD 27 lalo na’t ang Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Sr. pa ang naglabas ng nasabing kautusan.

Karamihan sa mga nagprotesta ay mga magsasaka at mga matagal ng trabahador na mula pa sa South at Central Luzon.

Bukod dito, dapat din daw solusyunan na ng Pangulo ang isyu sa krisis sa pagkain dahil marami sa sakahan ay apektado at nasira dahil sa pabago-bagong lagay ng panahon na wala namang nakukuhang tulong mula sa pamahalaan.

Facebook Comments