Ilang mga grupo, sumugod sa DOJ, para ipanawagan ang pagpapalaya sa mga itinuturing na political detainees

Sumugod sa Department of Justice (DOJ) ang ilang raliyista upang igiit ang pagpapalaya kay Amanda Echanis at ng iba pang tinatawag nilang political detainees.

Ayon sa Amihan National Federation of Peasant Women at Free Amanda Echanis Movement, ilegal umano ang pagkakadampot kay Echanis at iba pang political prisoners na animoy biktima ng red-tagging.
Paliwanag nila, hindi binigyan si Echanis ng patas na proseso, at halos wala pa lamang siyang isang buwan mula nang magsilang nang maaresto.

Panawagan din ng mga nagprotesta na palayain ang halos 700 na political prisoners na, ayon sa kanila, ang tanging ipinaglalaban ay ang karapatan ng bawat mamamayan.

Aniya pa ng mga grupo, marami ang na-detain dahil umano nasama sila sa listahan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at naging target ng red-tagging.

Kaugnay nito, bantay-sarado ng pulisya ang kilos-protesta sa labas ng DOJ habang tumutulong naman ang mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa pagmamando ng trapiko.

Facebook Comments