Ilang mga gulay at isda sa Trabajo Market sa Sampaloc, Maynila, bahagyang tumaas

Ngayong malapit nang matapos ang buwan, bahagyang tumaas ang presyo ng mga itinitindang gulay sa Trabajo Market sa Sampaloc, Maynila.

Ang kada kilo ng sibuyas ay pumapalo na sa P160, habang ang sibuyas na puti ay P120, at ang bawang ay P160 na rin kada kilo.

Ang bell pepper ay umaabot na sa P250 at P350 per kilo naman ang luya habang P120 ang kalamansi.

Ang kamatis ay na sa P90 habang P140 ang talong, P100 ang patatas at carrots, at ang ampalaya ay nasa P140.

Samantala, umabot naman na sa P260 ang galunggong, P160 ang tilapia, at P240 ang bangus.

Ang Lapu-lapu ay P400 ang kada kilo nasa P480 ang pampano at dalagang bukid na nasa P300 ang kilo.

Facebook Comments