Ilang mga guro, nagkasa ng kilos protesta sa Mendiola

Nagkasa ng kilos protesta ang grupo ng mga pampublikong guro sa Mendiola, Maynila.

Ito’y para ipanawagan muli ang dagdag sweldo ng mga guro at pagbaba ng presyo ng mga bilihin.

Bukod dito, nais rin nila na maibigay na ang performance base bonus at iba pang benepisyo na una ng ipinangako ng gobyerno.


Ang naturang Christmas Themed Protest ay para ipaabot sa pamahalaan na hindi na kinakaya pa ng mga guro ang mataas na presyo ng bilihin lalo na’t hindi sapat ang kanilang sweldo.

Giit pa nila, mas dumoble ang trabaho ng mga guro matapos ang pagpapatupad ng face-to-face classes na tila hindi napaghandaan kaya nararapat lamang silang makatanggap ng karagdahang bonus para maramdaman nila ng lubos ang panahon ng Kapaskuhan.

Paliwanag pa ng mga guro, mas mababa ang nakukuha nilang sweldo kumpara sa ibang propesyon na may kaparehong kwalipikasyon.

Tutol naman sila sa isinusulong na House Bill 6398 o ang Maharlika Investment Fund kung saan maiging ilagak na lamang ang pondo sa pagpapaganda ng edukasyon at dagdag sweldo ng mga guro para maging mas maayos ang pagtuturo ng mga ito.

Facebook Comments