Ilang mga guro, nagkasa ng laptop protest; bilang ng mga estudyanteng nag-enroll ngayong taon, umabot sa 25-M

Nagsagawa ng laptop protest ang ilang mga guro sa pagbubukas ng klase para sa taong 2021-2022 kahapon.

Idinaan ng mga guro sa paglalagay sa wallpaper ng kanilang laptop ang mga hinaing upang matugunan ng gobyerno.

Panawagan ng mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), karampatang pagbabayad ng mga overtime pay, mas malaking allowance sa load pati na rin laptop at desktop computer na gagamitin sa pagtuturo.


Samantala, nakapagtala naman ang Department of Education (DepEd) ng 25.5 milyong estudyante na nakapag-enroll para sa school year 2021-2022.

Ayon sa DepEd, target nilang higitan ang bilang ng mga nag-enroll nitong nakaraang taon kaya’t pinalawig pa nila ang enrollment hanggang katapusan ng Setyembre.

Facebook Comments