Ilang mga guro, opisyal ng militar at pulisya, pinarangalanan sa ika-40 anibersaryo ng Metrobank Foundation

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-apat na pung founding anniversary ng Metrobank Foundation, pinarangalan ang sampung outstanding Filipinos na kinabibilangan ng apat na guro, tatlong sundalo at tatlong police officers.

Kabilang sa mga pinarangalan ang mga guro na sina Dr. Dorothy Tarol, Dr. Cristina Cristobal, Dr. Ricardo Jose at Dr. Eva Maria dela Paz.

Habang ang military officers ay sina Master Sergeant Ramil Caporas na naging Lead Explosive Ordinance Disposal Expert sa Marawi; Major Romulo Dimayuga, Philippine Navy Special Operations Warfighter at Lt. Col. John Paul Baldomar, AFP Community and Organizational Transformation Warrior.


Sa hanay ng pulisya, ang mga pinarangalan ay sina Police Chief Master Sgt. Marsha Agustin – Anti-Human Trafficking Crusader ng PNP; Police Major Robert Reyes na tinaguriang PNP Premier Cyber Cop at Police Col. Edwin Quilates.

Ang naturang awardees ay pagkakalooban ng tig-isang milyong piso, golden medallion at “The Flame” trophy sa September 4 kasabay ng selebrasyon ng Metrobank 57th anniversary.

Ang nasabing recipients ay dumaan sa masusing screening ng Final Board of Justice na binubuo ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor na pinamunuan ni Senador Sherwin  Gatchalian at naging co-chairman naman si Supreme Court Associate Justice Alexander Gesmundo.

Sila ay napiling pagkalooban ng award ng Metrobank Foundation dahil sa kanilang mga naging kontribusyon sa lipunan.

Ang Metrobank Foundation ay katuwang ng RMN Foundation sa mga adbokasiya nito partikular na sa mga programang pangkalusugan sa mga komunidad.

Facebook Comments