Ilang mga guro,hindi pa rin sumusunod sa standard spelling, ayon sa komisyon ng Wikang Filipino

Aminado ang Komisyon ng Wikang Filipino na maraming mga guro ang hindi sumusunod sa tuntunin  nang tamang pagbaybay ng mga salitang Filipino.

Ayon kay KWF commissioner Arthur Cassanova, may mga salungat pa rin sa ipinatupad noon ng pambansang alagad ng sining, ang pinalitan niya na si Virgilio Almario hinggil sa estandardisasyon ng Espanol sa wikang Filipino.

Inihalimbawa ni Casanova ang pagbaybay sa tamang pantukoy sa ating bansa.


Sa halip na Filipinas, Pilipinas pa rin ang itinuturo ng mga guro sa kanilang mga nag-aaral na pagbaybay kapag tinutukoy ang bansa.

Aniya, ang pag-gamit ng “P” ay alinsunod sa batas habang ang “F” ay nakabatay  sa kasaysayan.

Ito aniya ang dahilan kaya naglulunsad sila ng taunang paligsahan sa ispeling upang masukat kung sumusunod ang mga guro sa wikang Filipino sa standard na pagbaybay.

Sa katunayan,ang itinanghal na kampeyon sa 2020 paligsahang IIspel mo na si Jamila Daphelene  Aceveda ng Adriatico Memorial School na kinatawan MIMAROPA ay nagsabing sa pagbabasa ng  inilabas na  Diksiyonaryong Filipino ng Komisyon NG Wikang Filipino siya nahasa sa tamang baybay ng mga salitang Filipino.

Dahil dito, pupulungin ni Cassanova ang lahat ng organisasyong pang wika at pang-panitikan upang maresolba ang isyu.

Isusunod naman niyang pupulungin ang mga publisher o tagapag- limbag ng mga aklat upang maiwasto at magkaroon ng unified standard sa ispeling.

Facebook Comments