
Pinaaayos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Health (DOH) ang ilang mga isyu sa pagpapatupad ng zero balance billing.
Ayon kay Pangulong Marcos, nakatanggap siya ng ilang report na may ilan pang mga pasyente ang nahihirapang mag-avail ng zero balance billing at may mahabang pila sa mga DOH hospital.
Nais ding maayos ng Pangulo ang sistema para sa out patient service, kabilang ang pagkuha sa pharmacy ng ospital ng niresetang gamot ng doktor.
Kaugnay ito, pinatitiyak ng Pangulo kay Health Secretary Ted Herbosa, na alam ng lahat ng DOH hospital sa buong bansa ang gagawin para sa proseso ng zero balance billing system.
Binigyang diin ng Pangulo na sa ilalim ng programa, wala nang kailangang bayaran, dagdag na dokumento, o anumang requirement kapag lalabas ng ospital.
Kung hindi naman aniya kailangang magpa-confine, pinapayuhan ni Pangulong Marcos ang mga pasyente na dumaan muna sa BUCAS Center para matingnan kung magagamot ang kanilang karamdaman saka sila irerefer sa DOH hospitals.









