LUMABAS sa pagsusuri ng ilang mga scientists na kontaminado ng cocaine at illegal pesticides ang mga nakuhang hipon sa iba’t-ibang ilog ng Suffolk, United Kingdom.
Ayon kay Dr. Leon Barron, hindi nila inaasahan ang resulta dahil kaunti ang naninirahan sa lugar at malayo sa siyudad. Dagdag pa niya, maari ito mangyari kung galing sa urban areas ang hipon kagaya ng London.
Sa press release ng King’s London College at University of Suffolk, positibo ang mga nasabing lamang dagat sa cocaine, ketamine, pesticides at pharmaceuticals. Hanggang ngayon, hindi pa din malinaw kung saan galing ang mga nasabing chemicals.
Narito ang opinyon ng isang mananaliksik mula sa nabanggit na unibersidad:
“The drugs likely made their way into rivers and fresh water after human consumption; cocaine can pass from urine into our wastewater. Then — especially if raw human sewage is left unfiltered and untreated — the drug can flow from our sewage systems into surrounding aquatic ecosystems.”
Inilathala ang kabuuan ng pag-aaral sa Environment International journal.