Ilang mga homeless at street dwellers sa Lungsod ng Maynila, sinagip

Umabot sa 44 na homeless at street dwellers sa Lungsod ng Maynila ang nasagip sa reach-out operations na isinagawa ng Manila Department of Social Welfare (MDSW).

Ito’y sa tulong na rin Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kung saan ang mga ito ay pawang hindi residente sa nasabing lungsod.

Ang mga nasagip na indibdwal ay patuloy na binibigyan ng sapat na pagkain at serbisyong medikal habang pansamantala silang nananatili sa Rasac Covered Court.


Mismong si MDSW Director Re Fugoso ang nag-utos sa kanilang Rescue Team na suyurin ang ilang bahagi ng Maynila upang matulungan ang mga walang tirahan at pagala-gala lalo na’t hindi pa rin nawawala ang COVID-19 pandemic.

Hangad ng lokal na pamahalaan ng Maynila na yakapin ang iba nilang mga kababayang mas nangangailangan ngayong pandemya at manbigyan sila ng nararapat sa abot ng makakaya.

Facebook Comments